Papaano mas madaling icheck ang status ng Passport

Posted: August 19, 2014 in Uncategorized

Kung ikaw ay aplikante para sa bagong pasaporte (renewal) at galing ka na sa consulate sa Al Quoz, pwede mo nang hintayin ang iyong passport ng manga 6 hangang 8 linggo.

Ngayon papaano mo malalaman kung ang iyong passport ay handa na o lumabas na? Ito ay maaring tingnan online, imbes na pumunta ka pa sa embassy o kaya tawagan sila para lang alamin kung pwede ng kunin ang iyong passport.

Status ng Iyong Passport Online

Para malaman kung maarin nang kunin ang iyong passport maari kang pumunta sa website at iclick ang mga petsa upang madownload ang listahan ng mga pangalan ng mga maari ng kumuha ng kanilang mga passport http://www.dubaipcg.dfa.gov.ph/index.php/2014-04-16-07-35-30/passports/2014-04-16-10-02-22

Ang Page na ito ay regular na inuupdate ng opisina ng gobyerno base sa inilalabas na mga bagong passport galing sa DFA Manila.
phil passport dubai

a2ec2e11677c9528 Image courtesy :http://dubaiofw.com/philippine-passport-application-status/

Karagdagang Tip:

Maari mo ring ilike ang Facebook Page ng PCG Dubai at panatilihing nakatatanggap ng mga bagong paalala tungkol sa mga passport na inilalabas.

Paalala: Kung nakita mo na na nakalista ang iyong pangalan, Ikaw ay maaring pumunta sa Consulate General kasama ang iyong lumang passport at opisyal na resibo upang makuha ito.
passport status

Image Courtesy: http://dubaiofw.com/philippine-passport-application-status/

Ang Philippine Consulate General of Dubai and the Northern Emirates ay matatagpuan malayo sa syudad at kailangang sumakay ng metro train patungong Rashidiya at kumuha ng Taxi papunta sa lugar. Sa kasalukuyan, Walang bus na papunta sa PCG Dubai, kailangan mong magbayad ng 20 Dirhams para sa Taxi.

Sa pagtingin ng status online, hindi mo na kailangan pang mag alala kung ang passport mo ay maari nang kunin o hindi pa at makakatipid ng oras at pera.

tingnan ang buong article sa : http://dubaiofw.com/philippine-passport-application-status/

Isinalin sa tagalog ni: Juvenile Bacolcol

Leave a comment